Magkumpara at Makatipid sap ag-renta ng kotse sa Pasay
Kung ikaw ay mahilig lumabas-pasok ng Pilipinas, ang syudad ng Pasay ay isang napakahalagang lugar para sa iyo dahil nandito ang isa sa mga kilalang paliparan sa Pilipinas, ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o kilala rin sa pangalang Manila International Airport. Ang Pasay ay isa sa mga syudad sa Kalakhang Maynila. Ito ay sikat dahil sa Ninoy Aquino International Airport, mga mamahaling hotel gaya ng Resorts World Manila, pati na rin sa mga pwedeng pasyalan gaya ng Star City, Science Discovery Center, at SM Mall of Asia. Sa Pasay din nakatayo ang ilang mahahalagang kalsada na nagdudugtong sa Maynila at katimugang bahagi ng Luzon gaya ng Cavite, Laguna at iba pa. Kasabay nito, narito din ang maraming linya ng mga bus patungo sa iba’t ibang parte ng bansa. Kung nais maglibot sa Pasay gamit ang sasakyan, pwede kang umupa ng sasakyan sa www.budget.com.ph. Magandang opsyon ito dahil sila rin ay nagseserbisyo ng mga kliyente mula sa NAIA.
Mga Pwedeng Gawin sa Pasay
Kung ikaw ay mahilig pumasyal sa mga pamilihan, pwede kang pumunta sa SM Mall of Asia. Ang SM Mall of Asia ay kilala dahil sinasabing ito ang pinakamalaking mall sa Pilipinas. Sa likod nito ay mayroon ding Amusement Park kung saan nakatabi ito sa Manila Bay. Magandang pasyalan ito lalo na kung maliwanag ang papawirin para masaksihan ang magandang paglubog ng araw. Hindi malayo sa SM Mall of Asia ay ang Star City. Ang Star City ay isang sikat na atraksyon sa Pasay lalo na para sa mga bata. Ito rin ay gustong gustong puntahan ng mga estudyante para sa kanilang mga lakbay-aral. Para sa hapunan, maaaring pumunta sa Seaside Dampa kung saan pwedeng mamili ng mga sariwang lamang dagat at ipaluto sa mga kalapit na kainan. Ito ay sikat na sikat sa mga turistang mahilig sa mga lamang dagat.
3 Lugar na Dapat Puntahan sa Pasay
- World Trade Center Metro Manila
- Philippine Air Force Aerospace Museum
- Blue Bay Walk
Magmaneho sa Pasay
Kung ikaw ay manggagaling sa NAIA, maaaring sumangguni sa mga sikat na andoid apps para makaiwas sa traffic dahil may kasikipan ang mga kalsada ditto. Mula sa NAIA, ang SM Mall of Asia ay mararating lamang ng 15-20 minuto. Maaaring mapahaba ang pagmamaneho lalo na kung mga alanganing oras dahil sa mga nagsisiuwiang mga trabahador sa Pasay. Malapit lang din sa lugar sa Star City. Matatanaw pa nga ang malaking ‘ferris wheel’ ng Star City mula sa SM Mall of Asia na maaaring mapuntahan din ng 15-20 minuto.