Pag-upa ng kotse sa Angeles

Walang bayad at pinakamahusay na presyo sa ekonomiya, luho, 7-9 mga kotse sa seater at higit pa
https://static.digitaltravelcdn.com/uploads/images/aeroporto2.jpg
Hertz
InterRent
Europcar
Enterprise
Budget
Avis
Alamo
Thrifty
Mga Pagsusuri 55,431 • Mahusay
mga pagsusuri 4.5 stars
Libreng pagkansela at walang nakatagong mga gastos
24hr / araw na suporta at live na chat
Mabilis at secure na mga paraan ng pagbabayad
Zero komisyon sa mga pagbabayad ng card

Magkumpara at Makatipid sa pagrenta ng kotse sa Angeles

Ang Angeles ay isang urbanisadong syudad sa probinsya ng Pampanga. Kilala ang Angeles dahil nandito ang Clark. Ang Clark International Airport ang nagsisilbing pinakamahalagang paliparan sa Angeles na nagseserbisyo sa mga turista na gustong pumunta sa syudad. Kilala ang Angeles dahil sa mga pwedeng kainan at bilhan ng pasalubong dito. Hindi lamang sa Angeles, kilala ang mga nakatira sa Pampanga na masarap magluto ng mga putaheng Pilipino. Naging mahalaga ang Angeles noong pangalawang digmaang pandaigdig dahil narito ang base-militar ng mga Amerikano. Ito rin ay isang mahalagang paliparan na nagdadala ng ibat ibang produkto sa iba pang parte ng Luzon. Ang Angeles ay lubhang naaapektuhan ng pumutok ang Bundok Pinatubo noong 1991. Kung nais mamasyal at maglibot sa Angeles gamit ang sasakyan, maaari kang umupa ng kotse sa viprentacar.com.ph. Puntahan lamang sila sa Oasis Bldg. 2 Suite #6, Don Juico Ave, Clarkview, Angeles City.

Mga Pwedeng Gawin sa Angeles.

Urbanisado ang Angeles kung kaya maraming negosyante ang mga nagtatayo ng kanilang mga negosyo. Unang una na rito ay ang Marquee Mall, isang pasyalan at pamilihan na patok na patok sa mga taga Angeles. Hindi lamang para sa mga gustong bumili, pwede rin ito sa mga pwedeng mamasyal at maupo sa maliit na parke ng mall. Marami ring mga masasarap na kainan sa mall na ito na bagay na bagay para sa mga nagugutom o gustong magpalipas lamang ng ilang oras. Pwede ring pumunta sa Zoocobia Fun Zoo. Maiging puntahan ang Zoocobia Fun Zoo para sa mga bata Pwede rin sa matatanda kung naghahanap ng mga nakakatuwang gawain gaya ng pagtingin tingin sa mga hayop at karerahan ng kart.

3 Lugar na dapat Puntahan sa Angeles

  • Marquee Mall
  • Zoocobia Fun Zoo
  • Nayong Filipino

Magmaneho sa Angeles

Kung ikaw ay manggagagling sa Clark International Airport at nais mong pumunta sa Marquee Mall, baybayin lamang ang Gil Puyat Ave. Aabot lamang ng dalawamput dalawang minute ang pagtahak sa nasabing kalsada na may distansyang labing limang kilometro. Pagdating ng Marquee Mall, huwag mahiyang magpatulong sa mga gwardya ng mall para maghanap ng lugar kung saan pwedeng magparke ng sasakyan. Karaniwan nito kasi ay madaling maubusan ng lugar ng pagparke lalo ng kung alanganing oras. Isa pang pwedeng puntahan na malapit ay ang Nayong Filipino. Mula Clark Airport, baybayin lamang ang Claro M Recto Hwy at Centennial Rd. Makakarating na sa Nayong Pilipino sa loob lamang ng limang minute kung walang gaanong sasakyan. Bantayang maigi ang mga bata sa Nayong Pilipino lalo na kung maraming tao.

Nangungunang mga puntos ng pickup sa paligid ng Angeles

Tuklasin ang pinakabagong mga deal sa pag-upa ng kotse

Mag-subscribe sa aming newsletter.