Pag-upa ng kotse sa Manila

Walang bayad at pinakamahusay na presyo sa ekonomiya, luho, 7-9 mga kotse sa seater at higit pa
https://static.digitaltravelcdn.com/destinations/manila.jpg
Hertz
InterRent
Europcar
Enterprise
Budget
Avis
Alamo
Thrifty
Mga Pagsusuri 55,431 • Mahusay
mga pagsusuri 4.5 stars
Libreng pagkansela at walang nakatagong mga gastos
24hr / araw na suporta at live na chat
Mabilis at secure na mga paraan ng pagbabayad
Zero komisyon sa mga pagbabayad ng card

Rentahan ng Kotse sa Maynila

Magkumpara at Makatipid sa pagrenta ng kotse sa Maynila.

Para sa mga turista naghahanap ng mapupuntahan sa tropiko, ang Maynila ay isa sa mga lugar na unang papasok sa isipan ng nakararami. Ang Maynila ay ang kabisera ng Pilipinas. Ito ay isang popular na syudad sa Timog-silangang Asya dahil sa mga tanawin na maaaring makita dito. Sa Maynila makikita ang mga magagandang gusali kasama ng mga makasaysayang lugar. Isa sa mga paboritang puntahan ng mga lokal at dayuhang turista ay ang Intramuros. Ang Intramuros ay isang kilalang syudad na may pader sa paligid nito. Sa Intramuros, makikita ang mga makasaysayan at kultural na lugar gaya ng Manila Cathedral at Fort Santiago. Ang Manila Cathedral ay sikat na simbahan sa bansa dahil sa mala-Kastila nitong arkitektura habang ang Fort Santiago naman ay dating kulungan ng military noong kolonisasyon ng Kastila sa Pilipinas. Walang mga lokal na paliparan sa Maynila. Isang magandang paupahan ng kotse sa Maynila ay ang Viking Rent a Car Services.

Mga Pwedeng Gawin sa Maynila

Hindi lamang sa kasaysayan ng Pilipinas naging mahalaga ang papel ng Maynila, pati na rin sa kasaysayan ng Mundo. Ito ay isang mahalagang lugar ng digmaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hanggang ngayon, ang mga gusali na nasira nung huling digmaan pandaigdig ay nakatayo pa rin at inaalagaan sa Maynila. Nabanggit kanina na ang Intramuros ay isa mga lugar na ito. Ang mga sira at nabomba na gusali ay nakamarka sa Intramuros kung saan pwedeng mabasa ng mga turista at mga mahahalagang detalye tungkol sa lugar. Kapag naman ikaw ay pagod na at gutom sa paggalugad sa Intramuros, maaaring pumunta sa Binondo. Ang Binondo ay isang sikat na Chinatown sa Maynila kung saan pwedeng matikman ang mga masasarap na lutong Instik at Pinoy.

3 Lugar na Dapat Puntahan sa Maynila

  • Simbahan sa Quiapo
  • Manila Bay Waterfront
  • Seafood Dampa

Magmaneho sa Maynila

Dahil sa tropikong panahon sa Pilipinas, ang paglalakad sa Maynila ay hindi magandang desisyon. Ang mga distansya sa pagitan ng mga pwedeng puntahan sa Maynila ay mas madaling mapupuntahan gamit ang kotse. Mula Intramuros, isa pang pwedeng puntahan na malapit ay ang Rizal Park. Ang Rizal Park ay isang sikat na atraksyon kung saan nakalibing di-umano ang labi na pambansang bayani ng Pilipinas, si Jose Rizal. Ang Rizal Park ay isa ring lugar para sa mga taong gusting mag-piknik habang hinihintay ang paglubog ng araw sa Manila Bay. Kung ikaw naman ay mahilig sa modernong arkitektura, pwede kang pumunta sa “University Belt” Ang Unviersity Belt ay isang lugar sa Maynila kung saan nakatayo ang mga sikat na unibersidad sa Pilipinas. Isa sa mga unibersidad na ito ay ang Unibersidad ng Santo Tomas (na sinasabing mas matang pa sa Harvard ng Amerika) at ang Unibersidad ng Pilipinas Maynila.

Alin ang mga pinakamahusay na deal sa Manila?

Mini
Mini
from ₱3,909.67/araw
Mini
Mini
from ₱4,245.87/araw
Mini
Mini
from ₱5,121.59/araw
Subcompact
Subcompact
from ₱6,073.36/araw

Nangungunang mga puntos ng pickup sa paligid ng Manila

Tuklasin ang pinakabagong mga deal sa pag-upa ng kotse

Mag-subscribe sa aming newsletter.