Magkumpara at Makatipid sa pagrenta ng kotse sa Davao
Lalong sumikat ang Davao dahil naging presidente ng Pilipinas ang dati nitong alkalde, si Rodrigo Duterte. Kung ikaw ay dayuhan mula sa ibang bansa, sa malamang ay narinig mo na ang pangalang iyan dahil kilala na ang Davao noon pa man. Ang Davao ay sinasabing isa sa mga pinakaligtas na syudad sa Pilipinas. Mapupuntahan ang Davao City gamit ang Francisco Bangoy International Airport. Ang Davao ay pangatlong pinakamataong syudad sa buong Pilipinas. Dito makikita ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Mt. Apo. Ang Davao rin ay kilala na “Durian Capital” ng Pilipinas dahil sa produkto nitong Durian. Ang Durian ay kilalang prutas hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo dahil sa hindi kaaya-aya nitong amoy subalit masarap at matamis nitong lasa. Huwag kalimutang bumili ng Durian sa iyong pagpunta Davao. Kung ninanais na galugarin ang Davao gamit ang inupahang kotse, maaaring pumunta at magrenta ng kotse sa www.davaocarrental.com. Sila ay nagpapaupa ng mga van at kotse, hanggang sa mga motor at bisikleta. Tandaan lamang na ang inupahang sasakyan ay maaari lamang gamitin sa loob ng syudad.
Mga Pwedeng Gawin sa Davao
Maliban sa mga Durian, kilala din ang Davao dahil sa mga lugar na pwedeng puntahan dito. Isa na rito ang Eden Nature Park. Magandang lugar ito para sa pagsasalu-salo ng pamilya at paglalakad sa kalikasan. Mababait at matutulungin ang mga tour guide na nandito. Siguruhin lamang na magpa-reserba ng mas maaga dahil lalo na kapag panahon na maraming bumibisita sa lugar. Isa pang magandang lugar na puntahan ay ang Philippine Eagle Center. Ang agila ay ang pambansang ibon ng Pilipinas. Ito ay karaniwang makikita sa mga kagubatan sa Mindanao. Dahil sa mga di maiiwasang aktibidad, kinailangang bantayan at alagaan ang mga aktibidad at pagpaparami ng mga agila na ito na tinutugnan ng Philippine Eagle Center.
3 Lugar na Dapat Puntahan sa Davao
- People’s Park
- D’ Bone Collector Museum
- Crocodile Park
Magmaneho sa Davao
Mula sa Francisco Bangoy Airport, mararating ang Philippine Eagle Center gamit ang inupahang kotse ng mahigit sa isang oras. Ang pinakamadaling ruta na pwedeng daanan ay ang Magtuod – Tugbok Rd at may layong 41 kilometro. Kung gusto namang pumunta sa Eden Nature Park mula sa Francisco Bangoy Airport, maaaring magmaneho at baybayin ang Daang Maharlika Hwy/AH26 at Bayabas-Eden rd. ng mahigit isang oras na byahe at may layong 36.3 kilometro. Huwag kalimutang magtanong sa mga lokal ng Davao o sumanggni sa mga sikat na app sa inyong telepono.
Alin ang mga pinakamahusay na deal sa Davao?
Mini
from ₱34.03/arawMini
from ₱43.86/arawMini
from ₱3,350.55/arawMini
from ₱3,640.55/arawSuriin ang marka ng mga nangungunang kumpanya ng pag -upa ng kotse ng Davao
EUROPCAR
Rating ng customer
Ang average na oras ng paghihintay ay 16 minuto
5.0 /10 | Pangkalahatang halaga para sa pera |
6.0 /10 | Kalinisan ng kotse |
5.0 /10 | Serbisyo sa rental desk |
4.0 /10 | Proseso ng pag-upa ng pag-upa ng kotse. |
6.0 /10 | Proseso ng pag-upa ng pag-upa ng kotse. |